Aksyon Agad!

Wednesday, July 12, 2023 - 09:00

Agarang pinuntahan ni NIA Laguna-Rizal IMO Manager Engr. Fidel Martinez ang lokasyon ng nasirang main canal ng Sta. Cruz RIS sa Liliw, Laguna dulot ng malakas na buhos ng ulan noong ika-12 ng Hulyo.

Bilang bahagi ng paunang aksyon at lunas sa nasabing sira, nagpatawag ng Emergency Meeting ang O&M Section sa labindalawang (12) IAs na nakikinabang sa nasirang canal.

Kasabay nito ang pagpapadala ng mga heavy equipment kagaya ng backhoe at dump trucks upang tumulong para malagyan Ng pansamantalang "sandbag" at tambak ang gilid ng nasirang canal.

Matatandaan na noong nakaraang taon ay nagdulot at nag-iwan rin ng pagkasira at pinsala sa nasabing irrigation system dahil sa bagyong Paeng.

Ipinag-utos naman ni Regional Manager Wilson Lopez na tutukan ang mga pansamantalang pagawain upang agarang maalalayan ang mga apektadong magsasaka. | G. Silvania

#NIA #bayaNIAn #TuloyAngDaloyNIA