Monday, August 15, 2022 - 11:45

PILA, Laguna - Ang mga magsasaka ng Sta. Cruz River Irrigation System (SCRIS) ay sama-samang nagsagawa ng paglilinis sa kahabaan ng Lateral A1 sa bayan ng Pila, Laguna.
Ang aktibidad na ito ay alinsunod sa MC 56 s. 2019 na ang pagmimintina ng kalinisan at kaayusan ng mga kanal at istraktura ay sa ilalim na ng pamamahala ng mga IA.
Isinagawa ang aktibidad na ito hindi lamang para maging maayos ang daloy ng tubig pati na rin maalis ang mga sanhi ng pagbaha at paglaganap ng lamok.