Rain or Shine, Tuloy ang Daloy ng Kaalaman at Serbisyo!

Friday, July 18, 2025 - 16:15

Hindi naging hadlang ang malakas na ulan sa tuloy-tuloy na pagsasagawa ng ikatlong araw ng EPAHP Training 4.0. Sa araw na ito, isinagawa ang aktwal na transplanting activity para sa kalabasa at sili, katuwang ang masisigasig na benepisyaryo mula sa iba’t ibang Irrigators’ Associations ng Cavite. Hindi rin matatawaran ang suporta ng ating mga partner organizations, gaya ng EastWest Seed at Farm Ready Company, na siyang nagbigay ng mga de-kalidad na punla ng kalabasa at sili na mismong itinanim ng mga participants sa activity na ito.

Pinangunahan nina Manager Joselito Tibayan at Pangulong Allan Agrimano ang pagtuturo sa field, kung saan binigyang-diin ang tamang planting distance, dami ng tanim kada lote, at iba’t ibang technique para mapabuti at mapalakas ang produksyon. Kasabay nito ay isang malawak na talakayan ukol sa Economic Analysis upang maunawaan ng mga kalahok ang posibilidad ng kita, break-even point, at return on investment at mga impormasyon na makakatulong sa pagpapalago ng kanilang kabuhayan.

Patunay ito na sa tulong-tulong na pagsisikap ng Cavite CIS, NIA CBIMO at Institutional Development Unit, at ng mga partner companies, posible ang mas maunlad, mas may kaalaman, at mas empowered na komunidad umulan man o maaraw.

#bayaNIAn sa #BagongPilipinas