Mga IA na sakop ng Agos RIS, dumalo sa Agri Trade Exhibit

Friday, October 7, 2022 - 13:30

Dumalo sa pinakaprestihiyosong Trade Exhibition sa Agribusiness, Food at Fisheries (Agrilink) sa World Trade Center, Pasay City ang NIA Quezon IMO, Office of the Municipal Agriculturist of Infanta kasama ang mga nagsanay ng Farmers Field School on Rice na kinabibilangan ng mga Irrigators Associations mula sa Agos River Irrigation System.

Itinatampok dito ang iba't ibang klase ng hayop, halaman at makinaryang pangsakahan maging ang mga produkto mula sa Region 13. Kasama rin dito ang mga libreng pagsasanay patungkol sa ibat ibang paksang may kinalaman sa agrikultura.

Ang nasabing tour visit ay bahagi ng pagsasanay ng mga magsasaka at IA para makita ang iba't ibang makinaryang pangsakahan na maari nilang magamit upang mapababa ang gastos at mapabilis ang gawain sa bukid.

Naisagawa ito sa pagtutulungan ng NIA Quezon IMO at Tanggapan ng Pambayang Agrikultura sa Infanta, Quezon. | R. Aumentado

#NIAparasabayan #TuloyAngDaloyNIA