Watershed Management para sa South Luzon Cluster, isinagawa sa CALABARZON

Isinagawa ng NIA Region IV-A, sa tulong ng University of the Philippines Los Banos Foundation Incorporated (UPLBFI), ang Institutional Capacity Building on Environmental, Social Safeguards and Watershed Management for South Luzon Cluster Module 1: Environmental and Social Assessment kasama ang mga kapwa kawani ng NIA mula sa Central Office, Region IV-B MIMAROPA at Region V.
Ang pagsasanay na ito ay naglalayong mapaunlad ang kakayahan ng bawat empleyado partikular sa watershed management at tamang pagpaplano ng mga proyektong pang irigasyon.
Pinangunahan ni Manager Reynaria Tapia ng Administrative and Finance Division ang pagpapasimula ng programa para sa nasabing pagsasanay. Aniya, "nakikita kong very useful ang magiging learnings niyo. With this training, we hope you will gain knowledge on how to formulate and implement effective watershed conservation programs especially in our irrigation systems for our future generations at makapagproduce pa tayo ng maraming palay".
Ayon naman kay Manager Erwin Lucela ng Engineering and Operations Division, "Very timely ito lalo na sa Region IV-A lalo yung environmental and social impact assessment na dapat maconsider sa ating mga projects mula sa planning. Nawa sa future planning ng projects ay maconsider and mga ito para maiwasan natin ang mga problema".
Nagbahagi naman ng kanyang mensahe at kaalaman patungkol sa watershed management si Regional Manager Wilson M. Lopez sa mga nagsasanay. Kanyang napansin ang maraming bilang ng mga kababaihan sa pagsasanay "nakikita natin technically speaking walang pagkakaiba ang babae at lalaki pagdating sa trabahong teknikal' aniya.
Kaugnay naman ng watershed management, ayon kay RM Lopez ito ay importante sa irrigation development kung saan tatlong batayan ang dapat ikonsidera sa pagpaplano ng mga proyektong patubig katulad ng: 1) available water supply 2) service area and 3) farmer beneficiaries' interest of the proposed irrigation. Dagdag pa niya, ang tubig mula sa mga watershed ang nagsisilbing supply ng tubig patungo sa mga istrukturang pang irigasyon na siya namang ginagamit ng ating mga magsasaka.
Bilang pagtatapos ng kanyang mensahe, isang hamon ang kanyang iniwan sa mga nagsasanay na maraming dapat gawin para mapanatili ang mga watershed. Ang trabaho sa NIA ay lumalawak hindi lang sa irrigation projects kundi hanggang sa conservation of watershed.
Dagdag pa niya, suportado ng management ang mga ganitong pagsasanay upang patuloy na linangin ang kakayahan at kaalaman ng mga kawani at mapagbuti pa ang serbisyong ibinibigay sa mga magsasaka.
Ang pagsasanay na ito ay mayroong apat (4) na modules at inaasahang matatapos sa buwan ng Disyembre 2022. | DGDael