NIA, DAR patuloy na umaalalay sa magsasaka sa Rizal

Tuesday, March 21, 2023 - 08:45

Pinangunahan nina NIA Regional Manager Wilson Lopez at Department of Agrarian Reform (DAR) - Rizal PARPO I Ms. Glynise Kae Ijiran ang Ceremonial Turnover ng Pinugay-Baliksaka PCIS Extension sa Sitio Baliksaka, Brgy. Pinugay, Baras, Rizal

Ang nasabing proyekto ay isang extension project kung saan ang naunang proyekto ay nailipat na sa pamamahala ng Baliksaka Farmers Association Inc. sa pangunguna ni IA President Rhodora Rey noong taong 2021.

Si Laguna-Rizal IMO Manager Engr. Armando Flores ang nanguna sa pagbahagi ng impormasyon at detalye patungkol sa proyekto.

“Pagyamanin pa natin yung ating pagsasaka sa pamamagitan nitong mga sistemang patubig na ipagkaloob ng NIA at DAR”, saad niya.

Ang nasabing proyekto ay inaasahan na makapagpapatubig sa karagdagang dalawampung (20) ektaryang sakahan at magiging parte ng kabuuang siyamnapu’t dalawang (92) ektaryang service area sa lugar.

“Kami po ay nagpapasalamat sa lahat ng biyaya na pinagkaloob sa amin ng gobyerno. Dahil sa proyektong ito maayos na kaming nakakapag second crop ng aming mga pananim”, pasasalamat ni IA President Rhodora Rey

Ang proyekto ay natapos noong nakaraang taon sa pamamagitan ng Comprehensive Agrarian Reform Program - Irrigation Component (CARP-IC) na layon na sumuporta sa may walumpu’t dalawang (82) Agrarian Reform Beneficiaries na bahagi ng Agrarian Reform Community.

Nanawagan naman si PARPO Ijiran sa mga magsasaka na pangalagaan ang sistemang patubig upang mas maraming magsasaka pa ang makinabang dito sa mga susunod na taon.

“Ito po ay suporta ng gobyerno para mapadali ang inyong pagsasaka at paunlarin ang inyong kabuhayan. Alagaan po natin ito para mas matagal pa natin na mapakinabangan”, panawagan ni PARPO Glynise Ijiran

Ibinahagi naman ni Regional Manager Lopez ang ilan sa mga hangarin ng Ahensiya sa ilalim ni National Irrigation Administration Administrator Engr. Eduardo Eddie G. Guillen. Kabilang dito ang pagpapababa ng lebel ng kahirapan sa sektor ng agrikultura sa pamamagitan ng mga makabagong pamamaraan ng pagsasaka, pagpapalakas ng mga Irrigators Associations, at maayos na koordinasyon sa mga Local Government Units (LGUs).

“Bukod sa dagdag na mga proyektong patubig, ang kailangan po natin ay i-maximize yung paggamit ng ating mga irrigation facilities para mas mapalaki yung volume ng ating mga ani”, banggit ni RM Lopez.

Kasama sa programa ang lahat ng miyembro ng BFAI, opisyales ng baranggay, mga kawani ng DAR, at kawani NIA.

#NIA #bayaNIAn #TuloyAngDaloyNIA

Irrig. Project in Cavite to irrigate 12 has. of agri. land

Tuesday, March 21, 2023 - 08:30

March 21 - The Pangil Pump Irrigation Project (PIP) is now ready to irrigate a total of 12 hectares of agricultural land in Brgy. Pangil, Amadeo, Cavite. Started last August 2022, the project is set to benefit 13 farmers of Lingap Amadeo Irrigators Association Inc.

“Kami po sa samahan ay lubos na nagpapasalamat sa NIA para po sa ibinigay na patubig para sa aming mga magsasaka”, said IA President Ms. Fe dela Cruz Rodil.

March 21 - The Pangil Pump Irrigation Project (PIP) is now ready to irrigate a total of 12 hectares of agricultural land in Brgy. Pangil, Amadeo, Cavite. Started last August 2022, the project is set to benefit 13 farmers of Lingap Amadeo Irrigators Association Inc.

Hon. Redel John Dionisio, Mayor of Amadeo, highlighted the importance of water in agriculture. He shared that this project will encourage farmers to plant crops even during summer.

“Hanggang ako ang Mayor ng lugar na ito, I will retain 70% of agricultural lands sa bayan ng Amadeo. Kaya naman sana ay marami pang proyekto ang ipagkaloob sa amin ng NIA upang mas mapaangat pa ang agrikultura sa Amadeo”, he ended.

The Project-In-Charge Engr. Lorenz Bart Opina pointed the importance of strong partnership with the Local Government Units in the implementation of irrigation projects.

“Kaya sana po ay patuloy kayong magtanim at gamitin ng maayos ang patubig na ipinagkaloob sa inyo ng NIA”, he said.

NIA Cavite-Batangas IMO Manager Engr. Jaime De Jesus shared that the Agency will continue its effort to support the agriculture sector to address food of the region.

“Pag-ibayuhin po natin na ingatan itong proyektong ito. Lagi natin linisin upang ito ay magamit nyo ng matagal na panahon”, he said.

Highlights of the event include ceremonial turn-over of the symbolic key, ribbon cutting, and signing of turnover documents.

Present during the occasion were officials from NIA, Municipal Agriculture Office, the Local Government Unit of Amadeo, Cavite, and the Irrigators Association. | K. Oliveros

#NIA #bayaNIAn #TuloyAngDaloyNIA

Harvest Festival sa Cavite, Isinagawa

Monday, March 13, 2023 - 12:00

Pinasinayaan ng NIA Cavite Batangas IMO katuwang ang Palangue Agrarian Reform Cooperative o PARC ang kauna-unahang Harvest Festival sa probinsya ng Cavite gamit ang Balance Fertilization and Microbes Technology.

Ang nasabing harvest festival ay bahagi ng Enhanced Partnership Against Hunger and Poverty o EPAHP. Isang mekanismo ng gobyerno na layon na maibsan ang kahirapan at kagutuman sa bansa.

Kasabay ng harvest festival ang pagtatapos ng unang batch ng Balance Fertilization and Microbes Technology Workshop na dinaluhan ng iba’t-ibang magsasaka na kasapi ng Irrigators Association sa probinsya ng Cavite na nakikinabang sa mga Solar Irrigation Projects na ipinagkaloob ng NIA.

Kasama sa nasabing pagtitipon ang Department of Agriculture at Department of Agrarian Reform na nagpahayag ng ilan pa sa kanilang mga serbisyo at programa na makakatulong sa paglago ng ani at kabuhayan ng magsasaka.

1st Quarter Earthquake Drill

Friday, March 10, 2023 - 12:00

The National Irrigation Administration IV-A joins the Department of National Defense (DND), National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), and the general public in the conduct of the 1st Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED).

All the employees perform the “Duck, Cover, and Hold” Drill to signify the Agency’s support for the said activity. The Bureau of Fire Protection (BFP) Pila, Laguna personnel observed the conduct of the Earthquake drill and shared tips and recommendations for maintaining safety in the workplace.

#bayaNIAn #TuloyAngDaloyNIA #NIA

NIA CALABARZON kicks-off 2023 National Women’s Month Celebration thru simultaneous orientations.

Wednesday, March 8, 2023 - 11:45

March 8- The National Irrigation Administration Region IV-A continuously recognizing the women’s participation and active roles in attaining the Agency’s objectives - to support agricultural productivity thru efficient and effective irrigation systems.

The Agency further supports the advocacy of the Philippine Commission on Women (PCW) on its drive towards gender equality and inclusive society.

The Agency, together with all Irrigation Management Offices (IMOs), conducts short Orientation on Mental Health and Psychosocial Support attended by all male and female employees and officials of the Agency. Said activity was initiated by the NIA Regional Office Administrative Section and facilitated by Ms. Ann Reshier Bayugo who serves as the resource speaker.

The Agency believes that it is imperative that all its workforce are always at their best physically, emotionally, and mentally to perform tasks efficiently not only at work but also at home.

Various programs and activities are scheduled for the month-long celebration of International Women’s Month.

#NIA #bayaNIAn #TuloyAngDaloyNIA #babaekahindibabaelang #womenempowerment

Pages