Pagpapalaks ng mga IA sa Cavite pinagpapatuloy ng NIA

Nagtungo ang IDP personnel ng NIA Cavite-Batangas sa Maragondon, Cavite upang magsagawa ng Refresher sa Basic Leadership Development Course (BLDC).
Binigyang pansin din ng aktibidad ang tungkol sa Unified IMT contract sa mga magsasaka ng Caputatan, Maragondon, San Juan, Ternate Farmers Association Inc. na napapatubigan ng Kay Aakle River Irrigation System upang makita ang kalagayan at kasanayan ng IA sa pamamagitan ng pamumuno at pagmimintina ng kanilang irigasyon at ang responsibilidad ng bawat kasapi bilang miyembro ng samahan.
Ito ay makaka tulong upang ipaalala ang nilalaman ng nasabing kontrata ng sa gayon ay hindi maligaw ang mga magsasaka sa kanilang gampanin at pananagutan. Bukod dito ay tinalakay din ang mga kasapi na hindi pa nakakapag sumite ng kanilang mga request para sa condonation , ito'y ginawa upang matulungan ang mga magsasaka na mabura ng tuluyan ang kanilang pagkaka utang sa NIA.