Trabaho kahit Sabado

Saturday, October 1, 2022 - 13:30

Nagtungo sina Regional Manager Wilson Lopez at Quezon IMO Manager Edwin Nazareno kasama ang iba pang opisyal ng National Irrigation Administration IV-A sa Tiaong, Quezon para personal na mabisita at malaman ang kalagayan ng patuloy na implementasyon ng Quipot Irrigation Project.

Kabilang sa naging aktibidad ng grupo ang pamamahagi ng mga centrifugal water pumps sa mga magsasaka at Irrigator’s Associations (IAs) na sakop ng Quipot Irrigation Project.

Ito ay bahagi ng mabilis na pagtugon ng pamunuan ng Region IV-A sa adhikain ni NIA Administrator Benny Antiporda na gumawa ng paraan para pansamantalang maalalayan ang magsasaka na umaasa sa nalalapit na pagtatapos ng nasabing proyekto.

“Napaka-supportive po ng ating NIA Administrator Antiporda sapagkat hindi pa man po fully natatapos ang Quipot IP at hindi pa lahat ng inyong mga sakahan ay naaabot ng patubig ay gusto na ng ating Action Man na kayo ay masuportahan,” mensahe ni RM Lopez.

Nasa may sampung (10) water pumps ang pinamahagi ng NIA IV-A bilang “Quick Response” nito sa mga magsasaka na naapektuhan din ng nagdaang bagyo at bilang augmentation na din para ma-abot pa rin ng sistema ang 200% cropping intensity sa may 50 ektaryang service area ng Lateral A Extra 1. Sakop nito ang apat (4) na mga baranggay sa Tiaong, Quezon at isang (1) barangay sa Candelaria, Quezon.

Bukod sa water pumps ay bibigyan din ng subsidiya ng Ahensya ang mga magsasaka para sa gastos sa diesel at gasolina hanggang Disyembre ngayong taon upang epektibo na mapatakbo ang mga nasabing pumps at mapataas ang kanilang mga ani at kita.

#NIAparasabayan #TuloyAngDaloyNIA