Successful Launching of TUPAD Program in Quezon Province

Tuesday, May 21, 2024 - 15:45

Nagsagawa ng Tupad Launching ang Tangapan ng NIA-Quezon IMO katuwang ang tangapan ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa Poctol Parada Irrigators Association Inc. Brgy. Poctol Unisan, Quezon. Kabilang din sa nakatanggap ng nasabing programa ay ang Panikihan IA sa Gumaca, Quezon at Jongo IA sa Lopez, Quezon. Ang nasabing programa ng Tupad ay tatagal ng sampung (10) araw at mayroon itong walumpu't apat (84) benepisyaryo na pawang myembro ng IA na makakatangap ng limang libo at dalawang daang piso (5,200.00) matapos ang nasabing pagtatrabaho na may kabuoang 436,800.00, kabilang sa kanilang natanggap ay ang Personal Protective Equipment at one year insurance coverage mula sa GSIS.

Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ng Acting Division Manager ng Quezon IMO Engr. Romulo M. Angeles, kasama sina Engr. Dare Dalida Supervising Engr., Ms. Rossana R. Landicho, Sr. IDO, Mula naman sa tanggapang DOLE Quezon Provincial Office, Ms. Mylanie Rea Labor and employment Officer II, mula sa Sangguniang Barangay ng Poctol, Kagawad Sherel A. Bileno at Poctol Parada IA sa pangunguna ni Pangulong Nolasco Balonzo kasama ang kanyang mga myembro.

Ang nasabing programa ay bunga ng patuloy na pakikipag ugnayan ng NIA sa ibat-ibang ahensya ng pamahalaan upang mas makapagbigay ng maayos at tuloy-tuloy na serbisyo sa ating mga magsasaka hindi lamang sa pamamagitan ng maayos na serbisyo ng patubig kung hindi pati na rin ang makapagbigay ng iba pang dagdag hanap buhay lalo na sa mga Magsasaka na nakakaranas ng pinsala ng El niño.

#NIA #bayaNIAn #TuloyAngDaloyNIA #BagongPilipinas #NIAGearUp