Simultaneous Irrigation Drive isinagawa sa 25 barangay na nasasakupan ng Agos River Irrigation System sa Infanta, Quezon

Monday, May 20, 2024 - 10:45

Masiglang pinangunahan ni Division Manager Engr. Romulo M. Angeles ng NIA Quezon IMO at Federation of Agos River Farmers Irrigators Association ang Simultaneous Irrigation Clean Up Drive sa dalawanpu't limang (25) barangay na nasasakupan ng Agos River Irrigation System sa Infanta, Quezon kasama ang mga kapartner na ahensya tulad ng Southern Luzon State University-Infanta Campus, Northern Quezon College Incorporated, Philippine Army, at lokal na pamahalaan ng Infanta, Municipal Agriculture and Fishery Council (MAFC), Sangguniang Kabataan, 4Ps at 4K.

Ang aktibidad ay regular na isinasagawa taun-taon upang masiguro na maayos na makakadaloy ang patubig sa mga sakahan sa nasabing lugar. Ayon kay DM Angeles, "Hindi lamang natin tinulungan ang Agos RIS, kundi pati na rin ang mga magsasaka na umaasa sa sistemang ito para sa kanilang kabuhayan. Sa bawat hagod ng ating kamay sa paglilinis, tayo ay nagbibigay diin sa kahalagahan ng pagkakaroon ng malinis at epektibong patubig para sa masaganang ani at maunlad na pamumuhay."

Hinikayat naman ng IA ang kamunidad na patuloy namagsasama-sama at magtutulung-tulong upang pangalagaan at suportahan ang kapaligiran at ang mga bayaning magsasaka.

#NIA #bayaNIAn #TuloyAngDaloyNIA #BagongPilipinas #NIAGearUp