Rice Contract Farming Scheme

Thursday, February 29, 2024 - 10:00

TINGNAN: Patuloy ang ginagawang pagalalay ng NIA Cavite-Batangas IMO sa pangunguna ni Engr. Romulo Angeles sa mga mga magsasaka ng Nasugbu, Batangas partikular sa Palico RIS Irrigators Association Federation.

Kamakailan lamang ay nagkaroon ng pagpupulong ang mga kawani ng Ahensiya kasama ang pamunuan ng nasabing IA upang pagusapan ang patungkol sa Rice Contract Farming Scheme. 

Ang nasabing mekanismo ay isa sa mga isinusulong ni NIA Administrator Engr. Eduardo Eddie G. Guillen upang mas mapataas ang kita ng mga magsasaka gayundin ang kalidad ng kanilang pamumuhay.  

Magiging daan din ang contract farming upang maging aktibong kabahagi ng merkado ang mga magsasaka at Irrigators Associations (IAs)

#NIA #bayaNIAn #TuloyAngDaloyNIA #BagongPilipinas #NIAGearUp