Abril 17 - Layon na epektibong masuportahan ang mga magsasaka upang mapataas ang produksyon ng bigas at mapaganda ang kita at kabuhayan, ginanap ang Ceremonial Launching at Memorandum of Agreement (MOA)Signing para sa Rice Contract Farming sa pagitan ng NIA Quezon Irrigation Management Office (QIMO) at Federation of AGOS River Irrigation System Farmers IA (FARFIA) Inc. sa Infanta, Quezon.
Sakop ng nasabing MOA ang nasa may 79 ektaryang palayan sa nasabing bayan na napapatubigan ng Agos River Irrigation System (RIS). Susuportahan ng programa ang nasa may 198 na magsasaka na kabilang sa anim (6) na Irrigators Associations (IAs).
Nakasaad sa kasunduan na magbibigay ang NIA ng nasa Php50,000 kada isang (1) ektarya para sa inisyal na puhunan sa mga magsasaka na nasa ilalim ng programa para sa mga gagamitin na farm inputs tulad ng binhi at fertilizers at iba pang gastos para pagsasaka tulad ng land preparation. Kaugnay nito, inaasahan naman na magiging responsable ang magsasaka sa maayos na paggamit ng mga farm inputs upang mapataas ang kanilang ani.
Ang programa ay pangunahing isinusulong ni NIA Administrator Engr. Eduardo Eddie G. Guillen na naglalayon na alalayan ang magsasaka simula sa pagtatanim hanggang sa pagbebenta ng palay. Batid ng programa na masiguro ang kita ng magsasaka dahil ang Ahensiya na mismo ang bibili ng kanilang mga ani.
Ang programa din ay nagsisilbing malakas na suporta ng Ahensiya sa adhikain ni President Ferdinand Marcos Jr. na makamit ang Food Security sa bansa.
Punangunahan nina PAIS Department Manager Eden Selva bilang kinatawan ni NIA Administrator Eddie Guillen, G. Alex Romantico bilang kinatawan ni Cong. Mark Enverga, Regional Manager Roberto Dela Cruz, IDD Manager Martin Tacloban, Quezon IMO Manager Romulo Angeles, FARFIA President Wilfredo Morfe, mga kawani ng NIA, at mga kasamang magsasaka.
#NIA #bayaNIAn #TuloyAngDaloyNIA #BagongPilipinas #NIAGearUp