NIA Quezon Conducts Successful Vermi Composting Training for GENAFIACO Farmers in General Nakar

Monday, May 20, 2024 - 10:30

Matagumpay na isinagawa ng NIA Quezon IMO at Tanggapang Pambayang Agrikultor sa General Nakar, Quezon ang Training on Practical Vermi Composting and Vermi Culture sa General Nakar Farmers Irrigators Cooperative (GENAFIACO).

Ang vermi culture ay ang proseso ng pangmatagalang pangangalaga at pagpapadami ng bulate (African Night Crawler) para sa iba't ibang layunin tulad ng vermicomposting at produksyon ng organikong pataba.

Layunin nito na magkaroon ng sariling Negosyo ang kooperatiba sa pamamagitan ng produksyon ng organikong pataba na makakatulong sa bawat miyembro ng Samahan at mapapanatili ang kalusugan ng lupa at kapaligiran.

#NIA #bayaNIAn #TuloyAngDaloyNIA #BagongPilipinas #NIAGearUp