MONITORING & INSPECTION NG NIA LRIMO SA MGA PALAYAN SA LALAWIGAN NG LAGUNA

Monday, March 11, 2024 - 10:00

TINGNAN: Base sa isinasagawang monitoring at inspection ng NIA Laguna-Rizal IMO, nasa tinatawag na vegetative stage na ang kasalukuyang estado ng karamihan sa palayan sa Lalawigan ng Laguna. May ilan naman sakahan ay nasa tinatawag na harvesting stage. Mas pinapaigting ng pamunuan ng NIA CALABARZON ang pagsunod sa Cropping Calendar and Pattern of Planting (CCPP) upang makaiwas sa epekto ng El Niño ang sektor ng agrikultura sa CALABARZON. 

#NIA #bayaNIAn #TuloyAngDaloyNIA #BagongPilipinas #NIAGearUP