Muling nagbabalik ang Kadiwa sa NIA kung saan direkta na mabibili ang mga produkto ng magsasaka at Irrigators Association (IA) tulad ng gulay at prutas. Kasalukuyan na nagbebenta ng kanilang mga ani at produkto ang Lambac-Maulawin Pagsanjan Laguna Irrigators Association sa NIA Pila, Laguna.
Ang programa ay nagsisilbing suporta ng National Irrigation Administration (NIA) sa adhikain ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na direktang ikonekta ang mga magsasaka sa mga mamimili upang mas mapataas ang kanilang kita at kabuhayan.
Bukas sa publiko ang nasabing programa na naka pwesto sa mga opisina o pasilidad ng Ahensiya. Maaari naman makipag-ugnayan sa pinakamalapit na opisina ng NIA ang mga Irrigators Association (IA) na nagnanais na ibenta ang kanilang mga produkto sa pamamagitan ng programa. Ang iskedyul ng Kadiwa sa NIA dito sa CALABARZON ay ibabahagi sa Facebook Page ng NIA Region IV-A.
#NIA #bayaNIAn #TuloyAngDaloyNIA #BagongPilipinas #NIAGearUp