KADIWA sa CALABARZON

Friday, September 15, 2023 - 16:15

Patuloy na tinatangkilik ng mga kawani ng NIA Region IV-A, sa pangunguna ni Regional Manager Engr. Roberto Dela Cruz, ang mga produkto ng mga magsasaka sa pamamagitan ng programang Kadiwa.

Matatandaan na binuksan ng Ahensiya ang pintuan nito bilang isang trading post ng mga Irrigators Associations (IAs) at grupo ng mga magsasaka na nagnanais na magbenta ng kanilang produkto direkta sa mga mamimili. Isa nga sa mga grupo ng magsasaka na nakikinabang na sa ganitong sistema ay ang Pila Natural and Organic Practitioners Agri. Coop (PNOPAC).

Ayon kay RM Dela Cruz mayroon nang mga nakahandang program ang Ahensiya sa mga susunod na linggo at buwan kung saan magkakaroon ng malakihang pagtitipon ng mga Irrigators Association upang ma-i-market ang kanilang mga produkto tulad ng 'KabayaNIAn Agri-Trade Fair' at Launching ng mga programang Kadiwa sa mga NIA field offices sa Rehiyon.

Ang Kadiwa ay isang mekanismo na isinusulong ng pamahalaan upang direktang masuportahan ang kabuhayan ng magsasaka. Layon nito na magkaroon ng direktang ugnayan ang mga magsasaka at mamimili. Maigting itong sinusuportahan ng pamunuan ng NIA sa pangunguna ni NIA Administrator Engr. Eddie G. Guillen na nangakong mas palalakasin ng Ahensiya ang tulong at suporta nito sa magsasaka.

#NIA #bayaNIAn #TuloyAngDaloyNIA #KadiwaSaNIA