DOLE-TUPAD Orientation

Thursday, March 21, 2024 - 15:30

TINGNAN: Patuloy Ang isinasagawang orientation ng Department of Labor and Employment (DOLE) patungkol sa Tulong Panghanapbuhay sa ating Disadvantage/Displaced workers o mas kilala bilang TUPAD. Isa ang Panikihan Farmers Irrigators' Association (IA) sa bayan ng Gumaca, Quezon ang nabigyan ng pagkakataon na magkaroon ng kaalaman tungkol sa programa. 

Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ni DOLE-TUPAD Coordinator Ms. Trisha May Guerrero. Bahagi ang nasabing initiative ng patuloy na pakikipag ugnayan ng NIA sa ibat- ibang Ahensya ng pamahalaan upang matulungan ang mga magsasaka at IAs na makatanggap ng Iba't-ibang tulong at suporta sa gobyerno na makapag a-angat ng kanilang kabuhayan.   

Nasa may talumpung (30) magsasaka ng Panikihan Farmers  IA ang makikinabang sa nasabing TUPAD Program kung saan makakatangap ang isang magsasaka ng kabuuan na Php5,200 sa loob ng sampung araw na pagtatrabaho kabilang ang 1-year insurance mula sa GSIS at Personal Protective Equipment (PPE).

Mahalaga ang nasabing programa dahil ilan sa mga magsasaka ang naapektuhan ang kabuhayan dahil sa nararanasan na tagtuyot. | A. Refazo

#NIA #bayaNIAn #TuloyAngDaloyNIA #BagongPilipinas #NIAGearUp