TINGNAN: Kasalukuyan na nagkakaroon ng desilting activity ang mga kawani ng NIA Cavite-Batangas IMO sa kahabaan ng Palico River Irrigation System (RIS) Main Canal na matatagpuan sa Nasugbu, Batangas. Matatandaan na simula pa lamang noong nakaraang buwan ay tuluy-tuloy na ang ginagawang paglilinis ng Ahensiya sa mga irrigation canals upang alisin ang mga basura at putik na bumabara sa daluyan ng patubig.
Ang aktibidad ay bahagi ng mas pinatibay na hangarin ng Ahensiya na isaayos ang daloy ng tubig patungo sa mga sakahan at patuloy na masuportahan ang kabuhayan ng mga magsasaka sa kabila ng banta ng El Niño.
#NIA #bayaNIAn #TuloyAngDaloyNIA #BagongPilipinas #NIAGearUp