Bagong Pilipinas Serbisyo Fair

Saturday, November 4, 2023 - 09:30

Handang-handa na ang National Irrigation Administration CALABARZON sa ginaganap na ‘Bagong Pilipinas Serbisyo Fair’ sa Laguna Sports Complex, Sta. Cruz Laguna.

Tampok sa nasabing aktibidad ang napakaraming Ahensiya ng gobyerno na naglalayon na ilapit sa mga mamamayan ang iba’t-ibang programa at serbisyo ng pamahalaan.

Mula November 4-5, kabilang sa mga Ahensiya na aagapay sa publiko ang NIA kung saan nagkaroon ng ceremonial awarding ng ilan sa mga natapos na proyektong patubig sa probinsya ng Laguna. Kabilang din ang awarding of certificate of exemption at awarding of operations and maintenance (O&M) subsidy para sa ilang Irrigators Associations (IAs) ng National Irrigation Systems (NIS).

Bukas naman ang information booth ng NIA upang sagutin ang mga katanungan ng ating mga magsasaka patungkol sa iba’t-ibang programa at serbisyo para sa ikauunlad ng sektor ng agrikultura at pag-angat ng kabuhayan ng magsasaka.

#NIA #bayaNIAn #TuloyAngDaloyNIA #BagongPilipinasSerbisyoFair