STAKEHOLDERS FORUM SA QUEZON, TAGUMPAY

Friday, January 19, 2018 - 03:45

January 19, 2018 - Kamakailan lamang ay ginanap ang kauna-unahang Stakeholders Forum sa Region 4A na nilahukan ng lokal na pamahalaan, magsasaka, kapulisan, kasundaluhan, at empleyado ng NIA sa probinsya ng Quezon. 

Ang nasabing malaking pagpupulong ay ginanap sa  St. Jude Cooperative Hotel & Event Center, Brgy. Isabang, Tayabas City, Quezon noong  Enero 19, 2018. 

Isa sa mga layunin ng kasalukuyang administrasyon ni NIA Chief Ricardo R. Visaya na magkaroon ng bukas na paguusap sa lahat ng partners ng NIA sa pagpapatupad ng mga proyektong patubig. Batid niya na sa maayos na paguusap ng bawat sektor sa lokal na pamahalaan ay mabilis at maayos na maisasagawa ang mga proyektong maghahatid ng kaginhawahan sa ating mga magsasaka. 

Nagpasalamat naman ang Regional Manager ng NIA 4A na si Engr. Romeo M. Lopez sa lahat ng dumalo sa nasabing pagpupulong. Inaasahan niya ang tuluy-tuloy na koordinasyon sa probinsya ng Quezon para mas mapalawak pa ang serbisyo ng NIA sa mga magsasaka sa lugar. 

Kabilang sa mga dumalo sa pagtitipon ay sina NIA Deputy Administrator Romeo G. Gan, NIA PAIS Manager Pilipina Bermudez, at NIA Quezon IMO Division Manager Engr. Fidel M. Martinez.